26 Mga kapatid, isipin ninyo kung ano ang inyong kalagayan nang kayoʼy tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang masasabing matalino sa paningin ng mundo, at iilan lamang ang makapangyarihan o nagmula sa mga kilalang angkan. 27 Ngunit pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang para ipahiya ang mga marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina para ipahiya ang malalakas.
Publicidade