27 Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28 Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nito nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon ay nagdadala ng kaparusahan sa kanyang sarili.
Publicidade