4 Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, 5 hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, 6 hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, 7 laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
8 May katapusan ang propesiya at ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika ay matitigil, at ang kaalaman ay mawawalan ng kabuluhan, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan.