22 Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Kristo, tayong lahat ay muling bubuhayin. 23 Ngunit may nakatakdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang binuhay si Kristo; pagkatapos, ang mga nakay Kristo naman ang muling bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.
24 At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Diyos Ama. 25 Sapagkat si Kristoʼy dapat maghari hanggang sa mapasuko ng Diyos ang lahat ng kanyang mga kalaban.