14 Ngunit ang taong hindi pinananahanan ng Espiritu ng Diyos ay hindi tumatanggap ng mga aral mula sa Espiritu dahil kamangmangan ito sa kanya. At hindi niya ito nauunawaan, dahil ang mga bagay na itoʼy maiintindihan lamang sa tulong ng Espiritu. 15 Samantala, ang taong pinananahanan ng Espiritu ay nagsusuri sa lahat ng ito, ngunit siya mismo ay hindi masusuri ng ibang tao. 16 Ayon nga sa sinasabi ng Kasulatan:
"Sino ba ang nakakaalam sa isip ng Panginoon?
Sino ba ang makakapagpayo sa kanya?"2:16 Isa. 40:13.
Ngunit tayo, taglay natin ang isip ni Kristo.