1 Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. 2 Sinabi ni Jeremias, "Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: 3 Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan! 4 Ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. 5 Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ "
Publicidade
Jeremias 45
Ang Mensahe para kay Baruc
Veja também
Publicidade