Ang Tanong tungkol sa Pag-aasawa
1 Ngayon, ito naman ang masasabi ko tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin. Makabubuti sa isang lalaki kung hindi siya magkakaroon ng seksuwal na relasyon. 2 Ngunit dahil marami ang natutuksong gumawa ng seksuwal na imoralidad, mas mabuting mag-asawa ang bawat lalaki o babae. 3 Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. 4 Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. Ganoon din ang lalaki, hindi na siya ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. 5 Kaya huwag ninyong ipagkait ang pagsiping sa inyong asawa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong ipagpaliban ito, upang mailaan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkalipas ng inyong pinagkasunduan, magsiping na uli kayo dahil baka hindi na kayo makapagpigil at matukso kayo ni Satanas.