Mga Dahilan ng Pagsulat
12 Sumusulat ako sa inyo, mga anak,
sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan
alang-alang sa kanyang pangalan.
13 Sumusulat ako sa inyo, mga ama,
sapagkat kilala nʼyo siya
na naroon na mula sa pasimula.
Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,
sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas2:13 Sa Griyego, ang masama. Ganito rin sa mga talatang gamit ang Satanas..
14 Sumusulat ako sa inyo, mga anak,
sapagkat kilala nʼyo na ang Ama.
Sumusulat ako sa inyo, mga ama,
sapagkat kilala nʼyo siya
na naroon na mula sa pasimula.
Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,
sapagkat matatag ang inyong pananampalataya.
Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos,
at napagtagumpayan ninyo si Satanas.
Huwag Ibigin ang Mundo
15 Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.