20 Subalit kayoʼy hindi tulad nila, sapagkat ipinagkaloob sa inyo ang Banal na Espiritu,2:20 ipinagkaloob sa inyo ang Banal na Espiritu: Sa literal, kayo ay pinahiran ng Banal. Ganito rin sa talata 27|1JN 2:27. kaya alam ninyong lahat ang katotohanan.
27 Tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritung ipinagkaloob sa inyo ni Kristo ay nananatili sa inyo, at hindi na kayo kailangang turuan pa ng iba, sapagkat siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay pawang katotohanan, at walang kasinungalingan. At tulad ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Kristo.