5 At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan:
"Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba."5:5 Kaw. 3:34.
6 Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. 7 Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.