11 Pero nagtanong si Samuel, "Ano ang ginawa mo?"
Sumagot si Saul, "Nakita ko na unti-unting nag-aalisan ang mga kasama ko, at hindi ka dumating sa oras na sinabi mo, at nagtitipon na ang mga Filisteo sa Micmas. 12 Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at alam kong hindi ko pa hinihingi ang tulong sa Panginoon. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog."