11 Tinanong ni Samuel si Jesse, "Sila na bang lahat ang anak mo?"
Sumagot si Jesse, "May isa pa, ang bunso, pero nagpapastol siya ng mga tupa."
Sinabi ni Samuel, "Ipasundo mo siya. Hindi tayo magpapatuloy sa ating gagawin hanggaʼt hindi siya dumarating."
13 Kaya kinuha ni Samuel ang langis at pinahiran niya sa ulo si David sa harap ng kanyang mga kapatid. Simula sa araw na iyon, napuspos siya ng Espiritu ng Panginoon. At umuwi naman si Samuel sa Rama.