Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Samuel 2

Ang Panalangin ni Ana

1 At nanalangin si Ana,

"Nagagalak ako saʼyo Panginoon!

Dahil sa inyong ginawa,

hindi na ako mahihiya.

Tinatawanan ko ngayon

ang aking mga kaaway,

sapagkat nagagalak ako

sa pagliligtas nʼyo sa akin.

2 "Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon;

wala kayong katulad;

walang Batong kanlungan

na tulad mo aming Diyos.

3 "Walang sinumang makapagyayabang

dahil alam ng Panginoong Diyos

ang lahat ng bagay,

at hinahatulan niya

ang mga gawa ng tao.

4 Nililipol niya ang mga makapangyarihan,

ngunit pinalalakas niya ang mahihina.

5 Ang mayayaman noon,

ngayon ay nagtatrabaho

para lang may makain.

Ngunit ang mahihirap noon

ay sagana na ngayon.

Ang dating baog ay marami nang anak.2:5 marami nang anak: Sa literal, magkakaroon ng pitong anak.

Ngunit ang may maraming anak noon

ay nawalan ng mga ito.

6 May kapangyarihan ang Panginoon

na patayin o buhayin ang tao.

May kapangyarihan siyang ilagay sila

sa lugar ng mga patay

o kunin sila roon.

7 Ang Panginoon ang nagpapadukha

at nagpapayaman.

Itinataas niya ang iba

at ang ibaʼy kanyang ibinababa.

8 Ibinabangon niya ang mga mahihirap

sa kanilang kahirapan.

Pinapaupo niya sila kasama ng mga maharlika

silaʼy kanyang pinararangalan.

"Sa Panginoon ang pundasyon ng sanlibutan;

na kinatatayuan ng mundo.

9 Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan,

ngunit nililipol niya ang masasamâ.

Walang sinumang nagtatagumpay

sa sarili niyang kalakasan.

10 Dudurugin niya ang kanyang mga kaaway.

Padadagundungin niya

ang langit laban sa kanila.

Ang Panginoon ang hahatol

sa buong mundo.2:10 buong mundo: Sa literal, dulo ng mundo.

Dahil sa kanya,

magiging makapangyarihan

at laging magtatagumpay

ang haring kanyang hinirang."

Veja também