Mga Bilin Tungkol sa Pagsamba
1 Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Diyos ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat. 2 Ipanalangin nʼyo ang mga hari at mga may kapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa, may takot sa Diyos at marangal. 3 Mabuti ito at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.