23 Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan. 24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo. 25 Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi. 26 Madalas akong maglakbay, at parating nalalagay sa mga panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Hudyo, sa mga Hentil, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid.
27 Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot. 28 Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya. 29 Kung may nanghihina, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko.
30 Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan.