Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga-Corinto 11

Si Pablo at ang mga Nagkukunwaring Apostol

1 Ipagpaumanhin ninyo kung ngayon ay magsalita akong tulad ng isang hangal. 2 Nakadarama ako ng maka-diyos na pagseselos sa inyo, sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Kristo. 3 Ngunit nag-aalala akong baka malinlang kayo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas, at mawala ang inyong tapat at taos-pusong hangaring sumunod kay Kristo. 4 Sapagkat madali kayong napapaniwala ng kahit sinong dumarating diyan na nangangaral ng ibang Hesus kaysa sa aming ipinangaral sa inyo. At tinatanggap ninyo ang ibang uri ng espiritu kaysa sa Espiritung tinanggap na ninyo. Pinapakinggan din ninyo ang magandang balita na iba kaysa sa pinaniwalaan na ninyo.

5 Sa tingin ko, hindi naman ako nahuhuli sa mga "magagaling" na mga apostol na ʼyan. 6 Maaaring hindi ako magaling magsalita ngunit hindi naman nagkukulang ng kaalaman. At iyan ay naipakita namin sa inyo sa lahat ng aming pagtuturo.

7 Hindi ako humingi ng bayad nang ipangaral ko sa inyo ang Magandang Balita mula sa Diyos, kundi nagtrabaho ako upang matulungan ko kayo sa inyong buhay espirituwal. Masamá ba ang ginawa kong ito? 8 Tumanggap ako ng tulong mula sa ibang iglesya noong akoʼy naglilingkod sa inyo. Parang ninakawan ko sila, matulungan lamang kayo. 9 At noong kinapos ako sa aking mga pangangailangan habang kasama ninyo, hindi ako naging pabigat kaninuman sa inyo. Ang ating mga kapatid na dumating mula sa  ang nagbigay ng aking mga pangangailangan. Iniwasan kong maging pabigat sa inyo at iyan ang palagi kong gagawin. 10 Hindi ako titigil na ipagmamalaki ito sa lahat ng lugar sa . Totoo ang sinasabi kong ito dahil nasa akin ang katotohanan ni Kristo. 11 Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na mahal ko kayo!

12 Ngunit patuloy kong paninindigan ang sinasabi ko ngayon na hindi ako hihingi ng tulong sa inyo, upang hindi masabi ng mga nagbabalak maging apostol na silaʼy katulad namin kung maglingkod. 13 Sapagkat ang mga taong iyan ay hindi naman mga totoong apostol, kundi mga manlilinlang at nagpapanggap lang na mga apostol ni Kristo. 14 At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag. 15 Kaya hindi rin nakapagtatakang ang kanyang mga alagad ay magkunwari ding mga alagad ng katuwiran. Ang kahihinatnan nila sa bandang huli ay parusang ayon sa kanilang mga gawa.

Ang mga Paghihirap ni Pablo bilang Apostol

16 Inuulit ko, huwag ninyong isiping isa akong hangal. Ngunit kung ganyan ang tingin ninyo sa akin, hindi na bale, basta hayaan ninyo akong magmalaki nang kahit kaunti. 17 Kung sa bagay, kung ipagmamalaki ko ang aking sarili, hindi ito galing sa Panginoon, at para akong hangal. 18 Subalit dahil sa marami diyan ang nagmamalaki tulad ng mga taong makamundo, magmamalaki rin ako. 19 Tuwang-tuwa pa kayo na nagtiyatiyaga sa mga hangal. Ang tatalino talaga ninyo! 20 Sa katunayan, pinagtiyatiyagaan din ninyong alipinin kayo, agawan ng mga ari-arian, pagsamantalahan, pagmataasan, at hamakin. 21 Nakakahiya mang amining mahihina kami, ngunit hindi namin kayang gawin ang mga iyan!

Kung may magmamalaki diyan, magmamalaki rin ako, kahit na magmukha akong hangal sa sinasabi ko. 22 Ipinagmamalaki ba nilang silaʼy mga Hudyo, mga Israelita, at kabilang sa lahi ni ? Ako rin! 23 Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan. 24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo. 25 Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi. 26 Madalas akong maglakbay, at parating nalalagay sa mga panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Hudyo, sa mga Hentil, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid.

27 Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot. 28 Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya. 29 Kung may nanghihina, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko.

30 Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan. 31 Hindi ako nagsisinungaling, at alam iyan ng Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesus. Purihin siya magpakailanman! 32 Noong akoʼy nasa , pinabantayan ng gobernador na nasa ilalim ni Haring Aretas ang lungsod upang dakpin ako. 33 Ngunit inilagay ako sa isang tiklis at ibinaba sa isang bintana sa pader ng lungsod, kaya nakatakas ako.

Lugar Bíblico
Região / Território
Macedônia
Hoje: Macedônia, Grécia
ΜακεδονίαMakedonia
Macedônia é a terra de onde, numa visão, um homem pediu a Paulo que passasse até lá e ajudasse; nela ficava Filipos, colônia romana onde Paulo ficou vários dias (Atos 16:12).
41,60° N, 22,54° L
Citado em 24 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Acaia
Hoje: Acaia (Peloponeso), Grécia
ἈχαΐαAchaia
Acaia é a região onde Gálio era procônsul e que, com a Macedônia, fez uma coleta para os pobres dentre os santos de Jerusalém (Romanos 15:26).
38,72° N, 22,54° L
Citado em 10 versículos
Ver página completa
Pessoa
H85
Abraão
ΑβρααμAbraamאַבְרָהָ֔םavəraham
Abraão, chamado por Deus, deixou a sua terra rumo a Canaã, recebeu a promessa de ser pai de muitas nações e foi pai de Isaque, o filho da promessa (Gênesis 12:1).
Significado: “Pai de uma multidão”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Damasco
Hoje: Damasco, Síria
ΔαμασκόςDamaskosדַּמֶּ֫שֶׂקdammeseq
Damasco é uma cidade dos arameus, com rei próprio, tomada pelo rei da Assíria. Saulo foi até lá com cartas para prender os que pertenciam ao Caminho (Atos 9:2).
33,51° N, 36,31° L
Citado em 58 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de 2 Mga Taga-Corinto 13
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.