Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga-Corinto 2:14-17

OASD Ang Salita ng Diyos

14 Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango. 15 Sapagkat kamiʼy mabangong handog na iniaalay ni Kristo sa Diyos, at naaamoy ng mga taong naliligtas at ng napapahamak. 16 Sa mga napapahamak, itoʼy alingasaw na nagdadala ng kamatayan, ngunit sa mga naliligtas, itoʼy halimuyak na nagbibigay ng buhay. Sino ang may kakayahang gumawa ng mga bagay na ito? 17 Hindi kami tulad ng marami diyan na ginagawang negosyo ang salita ng Diyos upang magkapera. Alam naming nakikita kami ng Diyos, kaya bilang mga mananampalataya ni Kristo at sugo ng Diyos, tapat naming ipinapangaral ang kanyang salita.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 Datapuwa’t salamat sa Dios, na laging Rom. 8:37.pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag Ef. 5:2.ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa’t dako.

    15 Sapagka’t 1 Cor. 1:18.sa mga inililigtas, at 2 Tes. 2:10.sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;

    16 Sa isa ay samyo 1 Ped. 2:7,8.mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat 2 Cor. 3:5,6.sa mga bagay na ito?

    17 Sapagka’t hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa 1 Cor. 5:8.pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.