Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga-Corinto 9:6-11

OASD Ang Salita ng Diyos

Paghikayat sa Pagiging Mapagbigay

6 Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7 Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8 At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa. 9 Gaya ng sinasabi sa Kasulatan:

"Namigay siya sa mga dukha;

kailanman ay hindi makakalimutan

ang kanyang mabubuting gawa."9:9 Salmo 112:9.

10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba. 11 Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    6 Datapuwa’t sinasabi ko, Gal. 6:7,9.Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.

    7 Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag Deut. 15:10.mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

    8 At maaaring Fil. 4:19.gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa:

    9 Gaya ng nasusulat,

    Awit 112:9.Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha;

    Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.

    10 At ang Is. 55:10.nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran:

    11 Yamang kayo’y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob, 2 Cor. 1:11.na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.