Publicidade

2 Pedro 3

3 Una sa lahat, dapat ninyong maunawaang sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, at pagtatawanan nila kayo habang sinusunod ang kanilang masasamang pagnanasa. 4 Sasabihin nila, "Hindi baʼt nangako si Kristo na babalik siya? Nasaan na siya ngayon? Namatay na ang mga magulang namin ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundo."

5 Sinasadya nilang kalimutan ang katotohanang nilikha ng Diyos ang langit sa pamamagitan ng kanyang salita. At nilikha niya ang lupa mula sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.3:5 Ang ibig sabihin, "nalikha ang lupa nang ihiwalay ng Diyos ang tubig sa isang lugar" (Gen. 1:9-10). 6 At sa pamamagitan din ng tubig, bumaha sa mundo at nalipol ang lahat. 7 Sa pamamagitan din ng kanyang salita, itinakdang tupukin ng Diyos sa apoy ang kasalukuyang langit at lupa sa Araw ng Paghuhukom at paglipol sa masasamâ.

Veja também

2 Pedro
Ver todos os capítulos de 2 Pedro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-