7 Pagkatapos, sinabi ni Natan kay David, "Ikaw ang taong iyon! Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: ‘Pinili kitang hari ng Israel at iniligtas kita kay Saul. 9 Pero bakit hindi mo sinunod ang mga utos ko, at ginawa mo ang masamang bagay na ito sa paningin ko? Ipinapatay mo si Urias na Heteo sa labanan; ipinapatay mo siya sa mga Amonita, at kinuha mo ang asawa niya.
13 Sinabi ni David kay Natan, "Nagkasala ako sa Panginoon."
Sumagot si Natan, "Pinatawad ka na ng Panginoon at hindi ka mamamatay sa kasalanang ginawa mo.