Sinumpa ni Shimei si David
5 Nang papalapit na si Haring David sa Bahurim, may taong lumabas sa bayang iyon at isinumpa si David. Ang taong ito ay si Shimei na anak ni Gera at kamag-anak ni Saul. 7 Ito ang sinabi niya kay David: "Huwag kang papasok sa bayan namin, mamamatay-tao at masamang tao ka!
10 Pero sinabi ng hari, "Kayong mga anak ni Zeruias, wala kayong pakialam dito! Kung inutusan siya ng Panginoon na sumpain ako, sino ako para pigilan siya?"
11 Sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng opisyal niya, "Kung ang anak ko nga ay binabalak akong patayin, paano pa kaya itong kamag-anak ni Saul?16:11 kamag-anak ni Saul: Sa Hebreo, Benjaminita. Inutusan siya ng Panginoon kaya hayaan nʼyo na lang siya. 12 Baka makita ng Panginoon ang paghihirap ko, at gantihan niya ng kabutihan ang kasamaang nararanasan ko ngayon."