Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Timoteo 1

Pasasalamat sa Diyos

3 Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensiya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi. 4 Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan. 5 Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya na naunang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ito ngayon.

Veja também

2 Timóteo
Ver todos os capítulos de 2 Timóteo