8 Kaya huwag kang mahihiyang magpatotoo tungkol sa ating Panginoon o tungkol sa akin na isang bilanggo dahil sa kanya. Sa halip, sa tulong ng Diyos ay makibahagi ka sa mga pagtitiis dahil sa Magandang Balita. 9 Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo. 10 Ngunit nahayag lang ito nang dumating si Kristo Hesus na ating Tagapagligtas. Winakasan niya ng kapangyarihan ang kamatayan at ipinahayag sa atin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Magandang Balita.