Ang Kahilingan upang Ipanalangin
1 At ngayon, mga kapatid, ipanalangin nʼyo kami upang mabilis na lumaganap at maparangalan ang salita ng Panginoon, katulad nang nangyari sa inyo. 2 Ipanalangin nʼyo rin na maligtas kami sa mga masasama at makasalanang tao; dahil hindi lahat ng taoʼy naniniwala sa itinuturo namin.