2 Ang halimaw ay parang leopardo, at may mga paang katulad ng sa oso. Ang bibig niya ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan at trono upang maging malawak ang kapangyarihan nito.
6 Nagsalita siya ng kalapastanganan laban sa Diyos; laban sa pangalan ng Diyos, sa kanyang tahanan, at sa lahat ng nakatira sa langit. 7 Pinahintulutan ang halimaw na makipaglaban sa mga hinirang ng Diyos at talunin sila. Binigyan din siya ng karapatang maghari sa bawat angkan, lahi, wika at bansa.