Publicidade

Apocalipse 21

10 Napuspos agad ako ng Espiritu, at dinala ako ng anghel sa tuktok ng napakataas na bundok. At ipinakita niya sa akin ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos. 11 Nakakasilaw itong tingnan dahil sa kaluwalhatian ng Diyos, at kumikislap na parang mamahaling batong haspe na kasinlinaw ng kristal. 12 Ang lungsod ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader, na may labindalawang pintuan, at bawat pintuan ay may tagapagbantay na anghel. Nakasulat sa mga pintuan ang pangalan ng labindalawang lahi ng Israel. 13 Tatlo ang pinto sa bawat panig ng pader: tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran. 14 Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-