Pular para o conteúdo
Publicidade

Colossenses 1

12 At makapagpapasalamat din kayo sa Ama. Ginawa niya kayong karapat-dapat na makibahagi sa mamanahin ng mga hinirang niyang namumuhay sa kaliwanagan. 13 Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. 14 At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

Ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Anak ng Diyos

15 Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17 Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.

Veja também

Colossenses
Ver todos os capítulos de Colossenses