21 Noong unaʼy hiwalay kayo sa Diyos, at kayoʼy mga kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. 22 Subalit ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Kristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan. 23 Ngunit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig ninyo. Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag na sa buong mundo, at akong si Pablo ay naging lingkod nito.
Publicidade