Pular para o conteúdo
Publicidade

Ang Awit 2

Babae

1 Akoʼy isang bulaklak lamang ng ,

isang liryo sa lambak.

Lalaki

2 Kung ihahambing sa ibang kababaihan,

ang irog koʼy tulad ng liryo

sa gitna ng matinik na halamanan.

Babae

3 Kung ihahambing sa ibang kabinataan,

ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanas

sa gitna ng mga puno sa kagubatan.

Nananabik akong maupo sa lilim niya,

at tikman ang matamis niyang bunga.

4 Dinala niya ako sa isang handaan

upang ipakita sa lahat na ako

ay kanyang minamahal.

5 Pakainin ninyo ako ng pasas at mansanas

upang akoʼy muling lumakas,

sapagkat nanghina ako dahil sa pag-ibig.

6 Ulo koʼy nakaunan sa kaliwa niyang bisig

at ang kanang kamay naman niya

ay nakayakap sa akin.

7 Kaya kayong mga dalaga ng ,

mangako kayo sa pamamagitan

ng mga batang usa at gasela,

na hindi ninyo hahayaang ang pag-ibig

ay umusbong hanggaʼt

hindi pa dumarating

ang tamang panahon.

8 Ayan na!

Naririnig ko nang paparating

ang aking mahal.

Dumarating siyang patalon-talon

na parang usa sa mga bundok

at burol.

9 Ang aking minamahal

ay tulad ng batang usa.

Tingnan ninyo! Naroon siyaʼt

nakatayo sa likod ng pader,

nakamasid sa may bintana,

dumudungaw sa kurtina.

10 Sinabi niya sa akin,

"Halika na irog kong maganda

at sa akin ay sumáma ka.

11 Tapos na ang panahon

ng taglamig at tag-ulan.

12 Namumukadkad na

ang mga bulaklak sa parang,

panahon na ng pag-aawitan

at maririnig na rin ang huni

ng mga kalapati sa kabukiran.

13 Ang mga bunga ng igos ay hinog na2:13 Ang mga bunga ng igos ay hinog na: O Ang mga puno ng igos ay namumunga na.

at humahalimuyak ang bulaklak

ng mga ubas.

Halika na irog kong maganda,

sa akin ay sumáma ka na."

Lalaki

14 Aking kalapating nagtatago

sa mga bitak ng malaking bato,

sa mga taguan sa bangin.

Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,

at iparinig din ang iyong tinig,

dahil napakalambing ng tinig mo,

at napakaganda ng mukha mo.

Mga Babae ng Jerusalem

15 Bilis!

Hulihin ang mga asong-gubat2:15 asong-gubat: Sa Ingles, fox. na sumisira

ng aming mga ubasang namumulaklak.

Babae

16 Akin lang ang mahal ko,

at ako naman ay kanya lang.

Nagpapastol siya

sa gitna ng mga liryo.

17 Bago magbukang-liwayway

at magliwanag,

magbalik ka, mahal ko.

Tumakbo ka na kasimbilis

ng batang usa o gasela sa kabundukan.

Lugar Bíblico
Região / Território
Sarom
Hoje: Planície de Sarom, Israel
שָׁרוֹןsharonΣάρωνSarōn
Sarom é uma terra onde pastavam rebanhos, e Sitrai, o saronita, estava encarregado deles (1 Crônicas 27:29).
32,40° N, 34,88° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Ang Awit 8
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.