9 Umalis si Ezra sa Babilonia sa unang araw ng unang buwan. At nakarating siya sa unang araw ng ikalimang buwan sa Jerusalem sapagkat ginabayan siya ng Diyos. 10 Sapagkat itinalaga niya ang sarili niya sa pag-aaral at pagtupad ng Kautusan ng Panginoon, at sa pagtuturo ng mga tuntunin at mga utos nito sa mga Israelita.