Ang Panalangin ni Pablo para sa mga Taga-Filipos
3 Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos. 4 Palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat, 5 dahil mula noong sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita. 6 Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.