Publicidade

Filipenses 2

Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag

12 Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay2:12 ipamuhay: O maging lubos. ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos. 13 Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.

14 Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, 15 upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila 16 habang pinaninindigan ninyo2:16 habang pinaninindigan ninyo: O dahil ibinibigay ninyo sa kanila. ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo.

Veja também

Filipenses
Ver todos os capítulos de Filipenses
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-