Pular para o conteúdo
Publicidade

Gálatas 2

Pinagsabihan ni Pablo si Pedro

11 Noong dumating si Pedro sa Antioquia, pinagsabihan ko siya nang harapan dahil mali ang ginawa niya. 12 Sapagkat bago dumating ang ilang tao mula kay Santiago, kumakain si Pedro kasama ng mga Hentil. Ngunit nang dumating ang mga iyon, nagsimula na siyang umiwas at ayaw nang kumaing kasama ng mga Hentil. Natakot siya sa maaaring sabihin ng mga Hudyong nagpupumilit na magpatuli ang mga Hentil upang maligtas. 13 Pati tuloy ang ibang mga kapatid na Hudyo ay nakigaya sa pagkukunwari niya, at maging si Bernabe ay napagaya na rin.

14 Nang makita kong hindi na ayon sa katotohanan ng Magandang Balita ang ginagawa nila, pinagsabihan ko si Pedro sa harap ng lahat, "Bakit mo pinipilit ang mga Hentil na mamuhay na parang mga Hudyo? Ikaw nga mismo na isang Hudyo ay namumuhay na parang Hentil."

Veja também