16 Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kami ay sumampalataya rin kay Kristo Hesus upang maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan.
Publicidade