17 Kahit hindi mamunga
ang mga puno ng igos, ubas,
o ang kahoy ng olibo,
at kahit walang anihín sa mga bukirin,
at kahit mamatay ang mga alagang hayop
sa kanilang mga kulungan,
18 magagalak pa rin ako
sapagkat ang Panginoong Diyos
ang nagliligtas sa akin.
19 Ang Makapangyarihang Panginoon
ang nagbibigay sa akin ng kalakasan.
Pinalalakas niya ang aking mga paa
na tulad ng mga paa ng usa,
upang makaakyat ako
sa matataas na lugar.3:19 Sa Hebreo ay may karugtong pang "Sa direktor ng mga mang-aawit: Gamitin ang mga instrumentong may kuwerdas." Tingnan ang talababa sa 3:1.