Publicidade

Josué 6

Ang Pagbagsak ng Jerico

1 Samantala, isinarang mabuti ng mga nakatira roon ang pintuan ng Jerico dahil sa mga Israelita. Walang makapasok o kayaʼy makalabas na mga tao sa lungsod.

2 Sinabi ng Panginoon kay Josue, "Ipapasakop ko sa inyo ang Jerico maging ang hari at mga sundalo nito. 3 Iikutan ninyo ng mga sundalo mo ang lungsod nang isang beses sa bawat araw, sa loob ng anim na araw. 4 Pauunahin mo sa Kahon ng Kasunduan ang pitong pari at ang bawat isa sa kanila ay may dalang trumpeta na yari sa sungay. Sa ikapitong araw, iikutan nʼyo ang lungsod ng pitong beses, kasama ng mga paring nagpapatunog ng mga trumpeta nila. 5 Kapag narinig nʼyo na ang mahabang tunog ng trumpeta nila, sisigaw kayong lahat nang malakas. Pagkatapos, guguho ang pader ng lungsod at makakapasok kayong lahat nang walang hadlang."

6 Kaya tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga pari at sinabi sa mga ito, "Dalhin nʼyo ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Mauuna ang pito sa inyo na may dalang trumpeta ang bawat isa." 7 At sinabi rin niya sa mga sundalo, "Lumakad na kayo! Ikutin nʼyo ang lungsod. Ang iba sa inyo ay mauuna sa mga paring may dala ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon."

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-