4 Nang panahong iyon, si Debora na isang propeta at asawa ni Lapidot ang nagsisilbing hukom ng Israel. 5 Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.