6 Huwag kayong sumiping sa malapít ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.
7,8 Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama sa pamamagitan ng pagsiping sa iyong ina o sa iba pa niyang asawa.
9 Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyong pamilya o hindi.
10 Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.
11 Huwag kang sumiping sa anak na babae ng iyong ama sa iba niyang asawa, dahil kapatid mo rin siya.
12,13 Huwag kang sumiping sa iyong tiyahin na kapatid ng iyong ama o ina.
14 Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang iyong tiyuhin sa pamamagitan ng pagsiping sa kanyang asawa, dahil tiyahin mo rin siya.
15 Huwag kang sumiping sa iyong manugang na babae dahil asawa siya ng iyong anak.
16 Huwag kang sumiping sa iyong hipag na babae dahil itoʼy magbibigay ng kahihiyan sa iyong kapatid.
17 Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo ʼyon. Ito ay kabuktutan.
18 Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buháy pa ang iyong asawa.
19 Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.
20 Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.
21 Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa diyos-diyosang si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Diyos. Ako ang Panginoon.
22 Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito.
23 Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.