Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 2

3 Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, nabagabag siya pati na ang buong Jerusalem. 4 Kaya ipinatawag ni Herodes ang lahat ng namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan, at itinanong sa kanila kung saan isisilang ang Mesias. 5 Sumagot sila, "Sa Bethlehem po, sa Judea, sapagkat ito ang isinulat ng propeta:

6 Ikaw, Bethlehem sa lupain ng Juda,

hindi ikaw ang pinakaaba sa mga namumunong bayan ng Juda;

sapagkat magmumula sa iyo ang isang pinuno

na magsisilbing pastol ng mga mamamayan kong Israelita.’ "2:6 Micas 5:2.

7 Kaya palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inalam niya sa kanila ang eksaktong oras na unang lumitaw ang bituin. 8 Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Bethlehem at nagbilin, "Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang bata. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako agad para makapunta rin ako at makasamba sa kanya."

Veja também