Ipinangaral ni Juan ang Pagdating ni Hesus
1 Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral. 2 Sabi niya, "Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit3:2 Karaniwang ginagamit ng mga Hudyo ang salitang langit sa halip na Diyos bilang tanda ng paggalang.." 3 Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya:
"May sumisigaw sa ilang na nagsasabi,
‘Ihanda ninyo ang daan
para sa Panginoon,
tuwirin ninyo ang landas
na kanyang lalakaran.’ "3:3 Isa. 40:3.
4 Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang pagkain niya ay balang at pulot-pukyutan. 5 Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea, at sa lahat ng lugar sa paligid ng Ilog Jordan. 6 Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.