Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 8

2 Lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat8:2 malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Bibliya, ketong. Ang Griyegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang uri ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. at lumuhod sa harap niya, at sinabi, "Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis."

3 Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat. 4 At sinabi sa kanya ni Hesus, "Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises bilang patunay sa mga tao na magaling ka na."

Veja também