Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Roma 14

Ang Panganib ng Pagiging Mapanghusga

1 Tanggapin ninyo ang kapatid na mahina ang pananampalataya at huwag makipagtalo sa kanyang mga paniniwala. 2 Halimbawa, may kapatid na naniniwala na lahat ng pagkain ay maaaring kainin. Mayroon namang mahina ang pananampalataya at para sa kanya, gulay lamang ang dapat kainin. 3 Hindi dapat hamakin ng taong kumakain ng kahit ano ang taong gulay lamang ang kinakain. Gayundin naman ang taong gulay lamang ang kinakain, hindi nito dapat husgahan ang taong kumakain ng kahit ano, sapagkat pareho silang tinatanggap ng Diyos. 4 Kaya, sino ka para husgahan ang utusan ng iba? Ang amo lang niya ang makapagsasabi kung tama o hindi ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também