10 Kaya huwag ninyong huhusgahan o hahamakin ang inyong kapatid kay Kristo. Dahil tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos. 11 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:
"Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa,
darating ang araw na ang lahat ng tao
ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos."14:11 Isa. 45:23.
12 Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.