Mga Pangungumusta
1 Ngayon, nais kong ipakilala sa inyo ang kapatid nating si Febe. Naglilingkod siya sa iglesya16:1 iglesya: Ang ibig sabihin, "mga mananampalataya ni Kristo." sa Cencrea. 2 Tanggapin ninyo siya bilang kapatid sa Panginoon gaya ng nararapat gawin ng mga hinirang ng Diyos. Tulungan ninyo siya sa anumang kakailanganin niya dahil marami siyang natulungan, at isa na ako roon.