Itinuring na Matuwid sa Pamamagitan ng Pananampalataya
21 Ngunit ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan at ang isinulat ng mga propeta ang nagpapatotoo rito. 22 Ang taoʼy itinuturing ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo. At walang kinikilingan ang Diyos. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Hesu-Kristo ay itinuturing niyang matuwid.