16 Ibang-iba ang idinulot ng kaloob ng Diyos sa idinulot ng kasalanan ni Adan. Ang kasalanan ni Adan ay nagdulot ng kaparusahan, ngunit ang kaloob ng Diyos sa kabila ng maraming kasalanan ay nagdulot ng kapatawaran. 17 Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan sa buong mundo. Ngunit dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Hesu-Kristo, ang mga tumanggap sa masaganang biyaya ng Diyos at itinuring niyang matuwid ay mamumuhay nang matagumpay.