11 At dahil nakay Kristo Hesus na kayo, ituring ninyo ang inyong mga sarili na patay na sa kasalanan at nabubuhay na para sa Diyos. 12 Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang namamatay, upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. 13 Huwag na ninyong gamitin ang alinmang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Diyos bilang mga taong binigyan ng buhay. Ilaan ninyo sa Diyos ang inyong katawan sa pamamagitan ng paggawa ng nararapat sa kanyang harapan.