Pular para o conteúdo
Publicidade

Romanos 7

2 Halimbawa, ayon sa batas, ang isang babaeng may asawa ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Ngunit kung namatay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na nagtatali sa kanya sa asawa niya. 3 Kaya kung sisiping siya sa ibang lalaki habang buháy pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na ʼyon. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.

Veja também