24 Kawawa naman ako! Sino ang magliligtas sa akin sa makasalanan kong pagkatao na nagdudulot sa akin ng kamatayan? 25 Salamat sa Diyos, na nagliligtas sa akin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Panginoon!
Ito ang aking kalagayan: Ang kaisipan ko ay nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, ngunit ang aking makasalanang pagkatao ay nagpapasakop sa kapangyarihan ng kasalanan.