14 Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, "Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel! 15 Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo nang higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki."